Pagkalat ng mga pekeng helmet sawatain – Revilla

NANAWAGAN si Senador Ramon Bong Revilla, Jr.  sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BoC) na kumilos laban sa pagkalat ng mga pekeng motorcycle helmet sa bansa.

Kaugnay ito ng reklamo ng motorcycle riding public na tumungo sa pinakamalapit na sangay ng DTI para ipasuri ang kanilang helmet upang makabitan ng ICC (Import Commodity Clearance) sticker.

Sa ilalim ng Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet ACT of 2009, inoobliga ang mga motorcycle rider at backrider na magsuot ng standard protective helmets na aprubado ng DTI na itinakda noong Hulyo 31, 2012 ang huling araw para sa pagpapa-validate ng mga helmet ngunit pinalawig pa hanggang sa katapusan ng taon.

Hinaing ng mga nagpapasuri ng kanilang helmet na responsibilidad ng pamahalaan na tiyaking  standard quality helmets lamang ang binebenta sa bansa.  Anila,  dapat sinisigurado ng gobyerno na ang binibili ng publiko ay ligtas at de kalidad.

Nakasaad sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines na dapat ang DTI ang magpatupad ng mga probisyon ng nasabing batas hinggil sa pandaraya sa mga produktong binebenta sa mga pamilihan.

Sa ilalim naman ng RA 10054,  nakaatang din sa DTI ang responsibilidad laban sa paggaya, pamemeke at pagsira ng PS mark at ICC certificate sa  helmet. Inaatasan din ang DTI na tugisin ang mga gumagamit, nagbebenta at nagpapakalat ng mga substandard motorcycle helmets o ng mga helmet na walang PS mark o ICC certificate.

Lumilitaw naman sa data analysis ng U.S. Department of Transportation’s Fatality Analysis Reporting System (FARS) na 37 porsiyentong epektibo ang pagsuot ng helmet para maiwasan ang  pagkasawi sa motorsiklo at 67 porsiyento ring epektibo para maiwasan ang brain injury.

Karaniwan sa mga malubhang  pagkasugat ng mga naaaksidente sa motorsiklo ay ang grabeng head injury.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), patuloy na tumataas ang bilang ng mga motorcycle-related accidents sa bansa  sa nakalipas na anim na taon.

Sa Metro Manila lamang, tinatayang may 120,000 aksidente sa kalsada kada taon ang naitala at dito ay halos domoble ang bilang ng mga aksidenteng kinanasasangkutan ng motorsiklo mula 9.4 porsiyento (11,475) noong 2005  hanggang14.6 porsiyento (20,518) noong nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply