Pagkamatay ng Japanese nat’l, walang foul play

NILINAW ngayon ng Philippine National Police sa Japanese Embassy na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng isang 63 anyos na Haponesa sa loob ng isang condominium unit sa Cebu City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, patay na ng matagpuan ang Japanese national na si Reiko Tahakashi, 63 anyos, ng Shizuoka, Japan sa sa loob ng kanyang condo unit sa Barangay Guadalupe, lungsod ng Cebu.

Ayon sa tatak ng naka lagay sa passport ni Tahakashi, dumating ito ng sa Cebu noong Abril 23.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Ruth Violango, ng homicide section ng Cebu City Police Office (CCPO), wala naman silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng naka-lock ang kuwarto nito, walang forceble entry na naganap, at wala ring ibang tao na nakita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply