Pagkansela sa lisensya ni Carabuena, ikinakasa

BUKOD sa pagsasampa ng kasong kriminal, ikinakasa rin ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkansela sa driver’s license ng lalaking nanakit sa isang traffic enforcer ng Metro Manila Developmenmt Authority (MMDA) nitong nakaraang Agosto 11 sa Quezon City.

Sinabi kaninang umaga (Agosto 17) ni LTO Metro Manila head Teofilo Guadiz III na pinaimbestigahan na niya ang insidente para malaman kung may basehan para tanggalan ng lisensya si Robert Blair Carabuena, executive ng tobacco company na Philip Morris.

Ayon kay Guadiz, maaari munang suspindehin ng LTO ang driver’s license ni Carabuena sa loob ng 60 araw.

Ang ikakasang imbestigasyon ni Guadiz ay ‘parallel‘ sa Quezon City prosecutor’s office, na siyang humahawak sa kasong direct assault laban kay Carabuena at sa kapatid nitong si Robert Benjamin.

Nahaharap ang Carabuena brothers sa kasong direct assault na naunang isinampa ngayong lingo ng MMDA.

Nag-ugat ang kaso nang pompiyangin ni Robert Blair ang biktimang si Saturnino Fabros, na pinara nito sa isang traffic violation.

Kitang-kita sa video na sinasaktan ni Carabuena si Fabros habang hawak umano ni Robert Benjamin para hindi makapalag.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na inaayos na ng ahensya ang pagpo-promote kay Fabros, at hiniling nito sa LTO ang pagkansela sa lisensya ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply