Pagkatapos makipag-sex; kelot di na nagising

TULUYAN nang hindi nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 24-anyos na lalaki matapos umano itong makatulog mula sa isang gabing pakikipagtalik sa isang pick-up girl kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Isinugod pa ng kanyang kaibigan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Gener Lacbayo, tubong Samar at residente ng Mandaluyong City subalit idineklarang patay na nang idating sa naturang pagamutan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Ronaldo Frades ng Investigation Section ng Pasay police, kasama ni Lacbayo ang mga kaibigang sina Mario Sumaguid, Jr. at Ariel Bolla nang magtungo sa isang beerhouse sa Pasay kamakalawa ng gabi.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magpaalam ng umuwi si Bolla subalit ipinasiya nina Lacbayo at Sumaguid na kunin ang serbisyo ng dalawang pick-up girls na nagkalat sa Rotonda ng Taft Avenue at EDSA Extension at kanila itong dinala sa Rotonda Motel sa naturan ding lugar.

Inokupa ni Lacbayo at kasamang babae ang Room 107 habang Room 110 naman ang kay Sumaguid at sa ka-partner. Matapos ang mainit na pagtatalik, umalis kaagad ang kapareha ni Lacbayo pasado alas-3 ng madaling araw kaya’t ipinasiya niyang sa silid na lamang ni Sumaguid matulog.

Nang magising si Sumaguid ng alas-6 ng umaga, ginigising niya ang kaibigan subalit hindi na ito kumikilos kaya’t humingi na siya ng tulong upang madala sa pagamutan si Lacbayo.

Wala namang nakitang palatandaan ang pulisya na naging biktima ng karahasan si Lacbayo nang suriin ang bangkay sa morgue ng pagamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply