Pagkatapos ng wushu, kina-career naman ni Bea Binene ang singing

PAGKATAPOS ng pagkahilig ni Bea Binene sa Wushu, kung saan naabot niya sa batang edad niyang 13 ang national championship, (naka-third place siya sa isang national tournament noon) kung hindi lang active sa kanyang sunud-sunod na taping ng Luna Blanca, maaaring tuluy-tuloy ang pag-compete niya sa Wushu.

Dahil mahirap lumaban sa nasabing nasabing martial art na di ka regular na nag-e-ensayo, nag-iba muna ng hilig ang young actress at pinagtotoonan niya ang pag-awit sa ngayon. Kung wala siyang taping ay nakikitang nag-aattend ng class sa voice lessons si Bea.

Gusto kasi niyang kumanta nang tama sa Party Pilipinas ng live talaga.

Kahit regular tuwing Sunday si Bea sa Party P., kadalasan ay dancing at hosting lang ang ipinagagawa sa kanya. Gusto naman niyang kumanta, for a change, kaya abangan natin ang kanyang bagong talent na ito sa Party Pilipinas.

***

DINGDONG Dantes, si Kylie Padilla na ang bagong leading lady sa GMA 7 soap Haram!

MAY malaking pagbabago sa new soap opera ni Dingdong Dantes sa GMA 7 na Haram na simula na ang taping sa September 3.

Di na si Lovi Poe ang kanyang leading lady gaya ng naunang napabalita. Bagkus biglang pumasok na ang pangalan ni Kylie Padilla bilang kanyang bagong leading lady at katrianggulo pa rin si Neil Ryan Sese sa soap opera na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

Tiyak matutuwa nito ang fans ni Dingdong dahil sure na siyang iha-handle ng award-winning at top-rating director. Last July pa namin nabalitaan ang project na ‘to.
Isang Muslim-inspired story na contemporary ang approach.

Sa mga project na inilatag ng GMA production office kay Direk Maryo J., tanging ang Haram ang nagustuhan nito dahil sa naiibang kwento, bukod pa sa may sariling consultant ang production para matalakay rin ang mga sensitive area ng Muslim culture sa bansa.

Dahil si Kylie ang partner ni Dingdong, tiyak hindi na sila maiintriga. Kasi, alam naman nating may Aljur Abrenica ang dalaga ni Robin Padilla sa ngayon. Siyempre, si Dingdong ay may Marian Rivera.

Ang Haram ay posibleng maging last quarter na pambato sa primetime ng GMA 7.

000

Tweets for My Sweet, no. 1 sa kanyang timeslot last Sunday

CONSISTENT top-rater ng GMA 7 sa Sunday primetime program nila ang Tweets for May Sweet. Last Sunday nga, sa rating timeslot nitong 6:30 pm ay nag-no. 1 sa rating’s game ang show na ito ni Marian Rivera.

Kahit mataas ang ratings ng Tweets, tatagal lang ito ng 16 weeks. Kasi, bale ito ang sinabi ng production sa kanilang mga artista. Kaya maaaring tinanggap ng mga star ang comedy show dahil sa apat na buwan lang ang itatagal nito.

Tulad ni Marian, balitang magsisimula na ngayong August ng kanyang bagong soap opera na di pa namin alam ang titulo. Balita lang namin, kasing drama raw ito ng Amaya.

Habang tumatagal ang Tweets for My Sweet, maraming revelations sa show ang natutunghayan natin. Hindi kasi basta comedy show lang ito kundi may smooth flow ang kwento.

Last week ay na-introduce si Glaiza de Castro bilang half sister ni Marian. Di ba sa Amaya ay mag-half sister rin sila?

Pumasok na rin ang batang na-discover sa Eat Bulaga na nanalong Little Miss Philippines recently. Tapos, nalaman din sa istorya na kaya sobrang bait ni Nova Villa kay Marina, ito pala ang kanyang nawawalang ina.

Panibagong twist naman ng story ang matutunghayan ngayong Sunday.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply