Pagkawala ni Rolito Go sa NBP, kinumpirma ng DOJ

KINUMPIRMA ng Department of  Justice na nawawala sa kanyang selda sa maximum security ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang convicted na si Rolito Go.

Sa inisyal na report na ibinigay kay Justice Secretary Leila de Lima, sinabi nito na maging ang nurse-nephew ni Go na kasa-kasama nito ay nawawala din.

Si Go ay matatandaang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo matapos mapatay si Eldon Maguan dahil sa away trapiko noong 199.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Go.

Sinabi ni NBP director Gaudencio Pangilinan na kanila nang bineberipika sa mga ospital sa Metro Manila ang posibleng kinaroroonan ni Go na sumasailalim sa chemotherapy dahil sa isang uri ng cancer sa tiyan.

Iniimbestigahan na rin ng NBP ang mga personnel sa security compound na posibleng nakipagsabwatan kay Go.

Napansin lamang ng NBP na nawawala sa kulungan si Go nang magkaroon ng head count sa mga preso.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply