Pagkidnap kay Rolito Go, posible – De Lima

IPINAHIWATIG ni Justice Secretary Leila de Lima na posibleng may katotohanan ang insidente ng pagkidnap sa convicted murderer na si Rolito Go.

Ayon kay de Lima na hindi maituturing na isolated case ang nangyari kay Go dahil mayruon umanong kidnapping syndicate ang nag-ooperate sa loob ng New Bilibid Prisons.

Pina-iimbistigahan na rin ni de Lima maging ang mga insidente ng hulidap sa New Bilibid Prison.

Ayon kay de Lima, ito ay matapos niyang makumpirma sa ilang araw niyang pagpapabalik-balik sa Bureau of Corrections nitong long week end na may mga insidente talaga ng kidnapping at hulidap na nangyayari sa NBP.

Sinabi ng kalihim na ang problema lamang ay ayaw naman makipagtulungan ang ilang complainant o biktima.
.
Kahapon ay muling nagpulong sina de Lima at NBI hinggil sa kontrobersiyal na pagkawala ni Go sa NBP.

Nakapanayam na rin, aniya, ng NBI ang pamangkin ni Go na si Clemence Yu at kapatid na babae ni Go bilang bahagi ng imbestigasyon

Balak ni de Lima bumuo ng lupon ng NBI na siyang iimbistiga sa hulidap/kidnapping sa NBP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply