Pagkuha ng ICC sa helmet sa Region 12, nilangaw

NILANGAW nang hindi kagatin ng motorcycle riders ang pagkuha ng Import Commodity Clearance (ICC) mark sa helmet sa Region 12.

Batay sa nakalap na ulat, umabot pa lamang sa pitong daang (700) mga motorista ang nakakuha ng ICC mark sa Department of Trade and Industry ( DTI)-12.

Sinabi ni Mary Anne Morales, chief ng consumers welfare ng DTI Region 12, na isa sa dahilan kung bakit mababa ang turn out ay ang kakulangan ng information dissemination ng ahensiya.

Dagdag pa ni Morales, mas tinututukan ng ahensyia ang kampanya na bumibili o nagbebenta ng standard na helmet para walang problema pagdating ng panahon at hindi mahuli ng mga law enforcer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply