Pagkukumpuni ng mga kalsada puspusan na

PUSPUSAN na ngayon ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lubak na kalsada matapos ang ilang araw na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.

Sinimulan ngayong umaga ng DPWH ang pagkukumpuni sa mga sirang lansangan.

Sinabi naman ni DPWH-NCR Director Reynaldo Tagudando, ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila gaya ng Edsa, Quezon Avenue, McArthur High-way, Mindanao Avenue, Commonwealth at Roxas Boulevard ang kanilang uunahin ayusin dahil ang mga dito marami ang dumaraang sasakyan.

Ayon pa sa opisyal inaasahan nilang matatapos ang kanilang pagsasaayos ng mga lansangan sa loob ng dalawang linggo kung patuloy na ang pagganda ng panahon.

Aniya, kapag sumama naman umano ang lagay ng panahon ay mababalam lamang ang kanilang operasyon.

May abiso na ang PAGASA na sa Lunes ay posibleng maranasan na naman ang pag-uulan.

Gayunman, tinitiyak naman ni Tagudando na buong puwersa ng DPWH-NCR ang nakakalat para matiyak na sa lalong madaling panahon ay matatapos ang mga pagkukumpuni.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply