Paglalagakan ng abo ni Robredo inihahanda na

INAASAHANG matatapos na mamayang hapon ang paglalagakan ng abo ng labi ng yumaong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Landscaping at ilang finishing touches na lamang ang ginagawa sa Eternal Gardens, kung saan ilalagak ang mga abo ng Kalihim.

Gawa sa itim na granite mula sa Italy ang paglalagakan ng abo ng kalihim.

Kaninang umaga ay inilipat na sa Basilica Menor De Nuestra Señora De Peñafrancia ang labi ng kalihim mula sa Naga City Hall at ito ay mananatili doon sa magdamag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply