Paglaya sana sa susunod na taon ni Go naudlot

IMBES na makakalaya na mula sa halos dalawang dekadang pagkakakulong, naudlot pa ang nakatakda sanang paglaya sa susunod na taon ng high profile inmate na si Rolito Go na mula sa pagiging living-out ay diretso ito sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos mawala ng dalawang gabi at isang araw.

Dakong alas-2:00 dumating sa NBP si Go, kung saan nakasuot na ng puting t-shirt at jogging pants, kasama ang kanyang asawa na si Elsa at anak na si Reginald.

Ayon kay NBP Spokesperson, Supt. Richard Schswarzkopf, bago dalhin sa Maximum Compound ng NBP si Go ay isasailalim muna ito sa medical check-up ng NBP Hospital.

Mula sa t-shirt na brown na  sinusuot ng isang living-out, susuotan uli ng kulay orange na t-shirt si Go, dahil sa ginawa niyang pagtakas.

Dapat sana ay nakahanay na sa lalaya si Go sa susunod na taon, subalit ang prebelehiyong ito ay hindi muna maibibigay sa kanya dahil sa pagtakas.

Nabatid na si Go ay itinuturing na isa sa high profile inmate sa NBP matapos patayin ang engineering student na si  Eldon Maguan dahil sa away trapiko noong Hulyo 2, 1991 sa Wilson St., San Juan, Metro Manila.

Dahil sa insidente, isa sa naging hakbangin ng pamunuan ng NBP ay magdadagdag pa ng CCTV camera .

Samantala, napag-alaman naman na nag-leave na si Bureau of Correction BuCor Director Gaudencio Pangelinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply