Paglilikas ng OFWs sa Syria, pinaigting ng DFA

LALO pang pinalakas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglilikas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit dahil sa lumalalang kaguluhan sa Syria.

Nabatid na nasa Damascus na ngayon si DFA Undersecretary Rafael Seguis para kausapin ang mga opisyal sa naturang bansa kaugnay sa pagpapalikas sa mga Pinoy workers.

Kaugnay nito, sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na nakumbinsi ni Seguis ang Syrian authorities na i-waive ang requirements para sa exit visa ng mga OFW’s gayundin ang mga penalty at deployment costs para mapabilis ang paglilikas sa ating mga kababayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply