Paglilipat ng school opening, pag-aralan – solon

PAG-ARALANG mabuti ang planong paglilipat ng school opening sa buawan ng Setyembre. Ito ang muling ipinanawagan ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng bagyo at baha sa iba’t ibang parte ng bansa.

Paliwanag ni Palatino, sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay nararanasan ang malakas na pag-ulan gayundin ang pagbaha habang sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre naman sinasalanta ng malalakas na bagyo ang Pilipinas.

Kung babalikan aniya, ang malalakas na bagyong Ondoy at Pepeng na sumalanta sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa Luzon ay naganap sa buwan ng Setyembre noong 2009.

Ngunit hindi aniya ito ang dapat na maging solusyon ng pamahalaan kundi ang magpatupad ng epektibong disaster management mechanism at flood prevention measures upang maprotektahan ang mga estudyante mula sa pagbaha.

Kung ipipilit aniyang gawing Setyembre ang klase ng mga mag-aaral ay mahihirapan din ang mga ito kapag panahon naman ng tag-init partikular ang mga paaralan na sobra-sobra ang bilang ng mga estudyante sa isang classroom.

Inudyukan din ng kongresista ang Department of Education (DepEd) na tukuyin ang mga flood-prone school at magbuo ng plano kung papaano mababawasan ang negatibong epekto ng pagbaha sa mga estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply