Pagpalit kay Robredo, hindi pa napapanahon

HINDI pa napapanahon para pag-usapan kung sino kina Vice-President Jejomar Binay at Senador Panfilo Lacson ang papalit sa posisyong iniwan ng namayapang DILG Secretary Jesse Robredo.

Ang pakiusap ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa publiko ay hayaan munang magdalamhati ang pamilya Robredo lalo pa at ito ang napakahirap na panahon para sa kanila.

“At this time, we feel it is inappropriate for (such discussions). Let us allow also the family the time to (grieve) for their closure as well. This is a very difficult time for them and siguro wala pa po tayo doon,” ayon kay Usec. Valte

At kung lumutang man aniya ang pangalan nina Binay at Lacson ay kumbinsido ang opisyal na walang kinalaman ang dalawang opisyal sa isyu at hindi rin nila kagustuhan na lumutang ang kanilang pangalan.

“As I have said, not at this time. And also to be fair to the names that are being floated, I don’t think they were the ones that said (it). In all fairness to these people, they were not the ones who put their names down for it. I think there are just some names that are being floated around. But, again, not at this time,” ang pahayag ng opisyal.

Sa ngayon ay si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang tumayong OIC sa DILG.

Sa katunayan ay magsasagawa ng komprehensibong pagrerebisa si Ochoa sa lahat ng mga nakabinbing programa at proyekto na naiwan ng namayapang DILG Secretary Jesse Robredo  upang matiyak na maiimplementa ang mga reporma at operasyon nito.

Si Ochoa ang tumatayo ngayong officer-in-charge ng  DILG bunsod na rin ng utos ni Pangulong Benigno S. Aqiuino III makaraan ang malagim na plane crash na nagresulta ng pagkamatay ng kalihim at ng dalawa nitong piloto noong nakaraang Sabado, Agosto 18.

Si Ochoa ay nasa DILG kahapon upang silipin ang listahan ng mga programa nito at paalalahanan ang mga empleyado na tuloy pa rin ang kanilang public service.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply