Pagpapagamot sa Ospital ng Maynila, libre

PINAGKALOOBAN ngayon ng libreng consulta o pagpapagamot sa Ospital ng Maynila ang mga nasalanta ng pagbaha hindi lamang ang mga residente ng Maynila.
Ayon kay OSMA Director Dr. Evangeline Morales, maging ang mga taga Metro Manila, karatig lalawigan o kalapit probinsya ay libre din ang pagpapagamot sa nasabing ospital.

Hindi na rin mangangamba ang mga pasyente na walang Philhealth dahil maari na rin silang magamot at hindi na alalahanin pa ang gastosin dahil libre naman ang gamot .

Sinabi pa ni Morales may sapat na suplay ng gamot ang ospital gayundin kumpleto sila sa aparatu.

Kaugnay nito, mabibigyan naman ng pakunswelo o 2 araw na vacation with pay ang mga staff/personnel ng nasabing ospital kapag nag-duty ang mga ito ng 45 oras.

Habang mayroon namang isang araw na bakasyon ang mga nagduty ng 35 oras .

Sa ngayon, nasa red alert status pa rin ang OSMA dahil marami pa rin lugar sa Metro Manila ang mataas pa rin ang baha.

Bukod dito, ay takbuhan din ng mga biktima ng baha ang OSMA kaya naman hindi pa rin naibaba ang kanilang alert status.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply