Pagpapalabas ng calamity fund ng 896 barangay, ipinag-utos ni Lim

IPINAG-UTOS ngayon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pagpapalabas ng calamity fund ng may 896 na barangay sa Maynila bunsod na rin ng pananatili ng lungsod sa ilalim ng state of calamity dala ng may isang linggong pananalasa ng malakas na pag ulan sanhi ng hanging Habagat.

Personal na inatasan ni Lim si Manila Barangay Bureau chief Atty. Annalyn  Buan, na ayudahan ang mga barangay chairman upang mapabilis ang paglalabas ng kanilang calamity fund at maihatid kaagad sa mga residente na lubhang naapektuhan ng mesocyclone na nanalasa sa Maynila.

Nabatid kay Lim na tanging Barangay resolusyon na binuo at inaprubahan ng mga kagawad ng bawat Sangguniang Pambarangay ang kinakailangan upang makuha ng mga Chairman ang 30 porsyento ng kanilang calamity fund para sa taong 2011 at 2012.

Dahil sa agarang pangangailangan ay napag-alaman na hindi na kailangan pang dumaan sa auditing at bidding ang mga proyekto o programa na paggamitan ng 30 percent ng nakalaang calamity fund ng may 896 na barangay.

Ang tanging kailangan lamang umano ay litrato at dokumentasyon ng mga pinaglaanan ng pondo at ng tumanggap ng nasabing pera o bagay na pinagkagastusan mula sa calamity fund.

Samanatla, nakatakda na ring ngayong tutukan ng pamahalaang lungsod ang flood control program upang huwag ng maulit ang karanasan ng mga Manilenyo na lubog sa baha ang 60 bahagdan ng lungsod.

Samantala, naging panauhing pandangal sa regular Monday flag raising sa Manila City hall si Las Pinas Congresswoman Cynthia Villar upang ibahagi ang kanilang mga programa kontra baha sa kanilang distrito at pag-aralan naman ng mga tagalungsod kung paano ito maggamit.

Hinikayat ni Villar ang mga pinuno ng bawat local government unit na gayahin ang garbage segregation, flood control program gaya ng paglilinis ng mga estero at hindi pagtatapon ng basura sa mga ilog at iba pang waterways na kanilang isinasagawa sa Las Pinas.

Sinabi pa ni Villar na kailangan makiisa ang mga Manilenyo sa programang waste segregation na bahagi rin ng flood control program ng lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply