Pagpapatupad sa plastic ban sa Pasay dadahan-dahanin

DAHAN-DAHAN ang gagawing pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa “plastic ban ” o “City Ordinance No. 4647 hanggang tuluyan ganap na maituro sa mga negosyante ang kahalagahan ng ordinansa.

Habang ipinatutupad ang ordinansa ay magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mas pinaigting na information campaign upang makamit ang suporta ng mamamayan, ayon kay Pasay City Mayor Tony Calixto.

Sa ilalim ng ordinansa, lahat ng mga tindahan sa lungsod ay gagamit lamang ng mga recyclable paper carry-out bags, reusable bags, at compostable plastic bags para sa mga panindang bibilhin sa kanilng mga tindahan.

Sa Section 5 ng ordinansa, nakasaad na ang mga recyclable bag na dadalhin ng mga kostumer para sa kanilng mga binili ay masisingil ng mga tindahan at isasama ang biniling bag sa iniisyung resibo.

Magsisimula ang implementasyon sa buwan ng Setyembre at ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay bibigyan lamang ng babala, subalit sa ikalawang paglabag ay papatawan ng multa na P1,000, at sa ikatlong paglabag ay P3,000, at huling paglabag ay kanselasyon ng Mayors Permit at pagsara sa establisimyento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply