Pagpili ng kalihim sa DILG, desisyon ni PNoy

IPAUBAYA na lamang kay Pangulong Benigno Aquino ang pagpili kung sino ang magiging bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ang reaksyon ni Senador Manny Villar at dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar kaugnay sa paglutang ng iba’t ibang pangalan na umano’y papalit kay dating DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Villar, hindi pa naman umano naililibing ang kalihim, may iba’t ibang pangalan na ang lumulutang na papalit dito.

Giit ni Villar, nakakagulo umano sa Pangulo ang paglutang ng iba’t ibang pangalan na maaaring pumalit sa dating kalihim.

Giit ng senador, desisyon umano ni PNoy kung sino ang ipapalit nito kay Robredo at magiging bagong kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply