Pagpunta sa casino ni Rolito Go, iimbestigahan ng DOJ

PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyon na nakitang nagka-casino ang convicted murderer na si Rolito Go sa araw na umanoy sinasabing dinukot ito sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos na hilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng Close Circuit Television (CCTV) sa casino Filipino sa Pampanga at Resorts World Manila kung saan nakita umanong nagka-casino si Go.

Matatandaan na si Go ay dinukot umano sa loob ng NBP at hiningan ng P1 milyong ransom ngunit sa di malamang kadahilanan ay pinalaya rin ito kahit walang ibinigay na ransom.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, makatutulong ang kopya ng CCTV sa isinasagawang imbestigasyon sa pagtakas ni Go at sinasabing pagdukot sa kanya kasama ang kanyang pamangkin na nurse.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply