Pagpuslit ng Reyes brothers, insulto sa BI

MALAKING insulto sa Bureau of Immigration (BI) ang pagkakapuslit ng magkapatid na Joel at Mario Reyes.

Sinabi ni Immigration spokesman Atty. Antonette Mangrobang na ang pagkakapuslit palabas ng Pinas ng magkapatid na Reyes ay patuloy pa nilang sinisiyat pero nabahiran ng putik ang ahensya bagaman puspusan ang kanilang ginagawang paglilinis sa kanilang hanay.

Ayon kay Mangrobang, mahalagang malaman kung papaano pinalusot at kung papaano nakalusot ang mga puganteng pasahero.

Aminado naman si Mangrobang na napag-iwanan na ang Pilipinas ng mga kapit-bansa nito.

Sinabi ni Mangrobang mahirap mag-check ng mga pasahero dahil bukod sa hindi pa biometrics ang gamit ng bansa ay hindi rin nakadugtong ang data ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa BI.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply