Pagsasabatas ng RH bill, nakasalalay sa 5 senador

SINABI ni Sen. Panfilo Lacson na nakasalalay sa limang senador ang kinabukasan ng Reproductive Health bill dahil sila ang tinaguriang swing vote para maisabatas ang panukala na nakatakdang pagbotohan sa Mababang Kapulungan sa Agosto 7.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Lacson na mayroon siyang limang boto na gustong pumabor sa RH bill ngunit kailangan pa munang kumbinsihin ng argument sa tunay na adhikain at pakinabang ng RH bill sa mamamayan.

“Meron akong alam na ang iba nasa gitna, gusto pa rin nila makita ano ang sentiment ng majority, sasama sila. Pero sa tingin ko, sa ngayon may majority na sumusuporta na papasa. Sa sarili kong bilang, 5-6 medyo di nagpahayag ng pagsuporta o di pagsuporta at matutukoy nyo yan kasi 5 lang sila,” ayon kay Lacson.

Dahil dito, ibinasura naman ni Lacson ang banta ng makapangyarihang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kahit hindi siya releksiyunista, sa pagsasabing walang kuwenta ang sinasabi nitong conscience vote dahil hindi naman nito maapektuhan ang pamumuhay ng mahihirap.

“Ang conscience vote, kanya-kanya nang pananaw. Ang pananaw ng CBCP, ang conscience vote ay against RH bill. Pero sa aming advocates, at di kakauntin yan, 70 percent ng Pilipino sumusuporta sa RH bill na maipasa ito, ang conscience vogte para sa akin ang quality ng buhay ng bawat Filipino, di quantity,” ayon kay Lacson.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply