Pagsasanay sa paggamit ng ambulansiya isinagawa

BATANGAS CITY, Agosto 30 (PIA) — Sumailalim kamakailan sa ambulance operation training ang mga empleyado ng city health office (CHO), defense security services (DSS), at mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) bilang paghahanda sa kalamidad at aksidente.

Ayon kay Julius Panopio, safety service instructor ng Philippines Red Cross (PRC) Batangas chapter, itinuro nila sa pagsasanay ang basic extrication, patient assessment at mass casualties incident.

Tinalakay din dito kung papaano hahawakan ng tama ang mga biktima ng aksidente at kalamidad lalo na ang mga biktima ng vehicular accidents na malimit mangyari sa lungsod.

Dagdag pa ni Panopio, mahalagang matutunan ang mga ito sapagkat kung walang sapat na kaalaman sa pagresponde ang isang sumasaklolo sa emergency, lalong mapapahamak ang mga biktima nito.

“Dapat isa-alang alang ng mga rescuers ang kaligtasan ng mga pasyente na isasakay sa ambulance,” sabi ni Panopio.

Dagdag pa niya, hindi rin sapat na magkaroon lamang ng ambulansya kung hindi naman sapat ang kaalaman ng mga magpapatakbo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply