Pagsulong ng karapatang pantao

HINDI maikakaila na buhay ang bayanihan sa ating lipunan.

Isang tradisyon ito na isinasagawa maging ng ating mga ninuno pa man.

Kaya naman ang Philippine Navy ay patuloy na nakikiisa sa pagsuporta sa mga hakbang tungo sa ikabubuti ng ating lipunan, partikular ang pangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga sibilyan na nakapaloob sa International Humanitarian Law (IHL) na kilala rin sa tawag na Law of War o Law of Armed Conflict (LOAC).

Ito ang dahilan kaya (alinsunod sa itinataguyod ng International community) pangka-lahatan ding ipinagdiwang sa ating bansa ang IHL, na may temang “Itaguyod ang IHL: Sibilyan Panga-lagaan”, nito lamang nakaraang August 13-18, 2012.

Ano ang kahalagahan nitong IHL?

Layunin sa IHL na maibsan ang masasamang epekto na naidudulot sa mga sibilyan ng marahas na pakikipagdigmaan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng mga rebelde.

Nakapaloob kasi sa nasabing batas ang mga panuntunan na nangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga inosenteng sibilyan na naiipit sa pagitan ng nagbabakbakang pwersa.

Ang pagdiriwang ay bahagi ng Campaign Plan “Bayanihan” na binuo ng Armed Forces of the Philippines – Internal Peace and Security Plan (AFP-IPSP).

Bilang tanda ng sinseridad sa pakikiisa sa layunin ng AFP-IPSP, lumahok ang mga tauhan ng Philippine Navy sa tatlong major events ng AFP.

Ang mga aktibidad na ito’y ang Blood-Letting, ang Advocacy Run, at ang pinangasiwaan mismo ng Philippine Navy na Advocacy Biking na nagsimula sa BNS Grandstand hanggang HPA Grandstand sa Taguig City noong umaga ng Agosto 18, 2012.

Naniniwala ang mga Mandaragat at Marino ng Philippine Navy na ang bawat sibilyan ay may karapatang mamuhay ng matiwasay at malayo sa kapahamakan.

Kaya naman kami sa Philippine Navy ay patuloy at malugod ding ginagampanan ang aming tungkulin bilang tagapangalaga ng mga karapatang ito ng aming mga kababayan.

Kaya’t mga kapatid ko, makaaasa kayo ng patuloy at higit pang pinaigting na suporta ng Hukbong Dagat para sa karapatang pantao.

Kaakibat n’yo kami sa pag-susulong layuning ito. Kaya natin yan, Pinoy!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply