Pagtaas ng badyet ng intelligence units, kakalkalin

HIHIMAYIN ng Senado sa pambansang badyet sa susunod na taon kabilang ang pagkalkal sa pagtaas ng gastusin ng intelligence units ng gobyerno kabilang ang tatlong iba pang ahensiya na nakansela noong nakaraang linggo sanhi ng baha.

Base sa media advisory ng Senate committee on finance, unang isasalang sa paghihimay ang P109.55 millyon badyet ng National Security Council na tumaas ng 45.19 porsiyento mula sa dating P75.45 milyon nitong 2012.

Inaasahang maghahain din ng detalye ang panukalang P491.32 milyong badyet ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na tumaas ng 7.8 porsiyento mula sa kasalukuyang gastusin na P458.62 milyon.

Kasabay nito, hihimayin din ng Senado ang badyet ng Philippine Dangerous Drug Board (PDDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung angkop ang gastusin sa tungkulin nito upang malutas at masugpo ang problema sa illegal drugs.

Nakatakdang tumanggap ng P170.84 milyong badyet ang PDDB sa 2013, samantalang tumaas naman ng P175.69 milyon ang badyet ng PDEA na umabot sa P755.46 milyon, mula sa 2012 budget na P579.78 milyon.

Isasalang naman sa Martes ang badyet ng Department of Foreign Affairs (DAF) na P11.55 bilyon na tumaas din ng 5.71 percent mula sa kasalukuyang P10.92 bilyong badyet.

Kasunod nito ang P1.25 bilyong badyet ng Presidential Communication Operation Office sa Miyerkoles para sa 2013 mula sa dating P1.05 bilyon sa 2012, samantalang hihimayin din ang P68.72 milyong badyet ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office mula sa P53.3 milyon sa kasalukuyang taon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply