Pagtalaga ni PNoy kay CJ Sereno, irespeto – CBCP

NANAWAGAN ang isang Obispo sa mamamayan na irespeto ang pagtalaga ng Pangulong Benigno Aquino III kay Maria Lourdes Sereno bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.

“We should give due respect sa choice ng ating President sa pagpili ng new Supreme Court Chief Justice,” ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines President Cebu Archbishop Jose Palma sa panayam sa radyo.

Inihayag ni Archbishop Palma na bagama’t mayroong pros at cons sa kasaysayan ng mga desisyon at track record ni Chief Justice Sereno, dapat nating ibigay ang kumpiyansa at tiwala sa Punong Mahistrado.

Sinabi pa ng Obispo na bukod sa respeto at obedience ay kailangan ding ibigay ng mga mamamayan kay Chief Justice Sereno ang panalangin at suporta para sa kanyang kalusugan at wisdom.

“It is true as per records na mayroong decisions si Chief Justice na kung tingnan ay parang they give some hints of what she will support kay Presidente. Pero as I’ve said it is the moment na we should give her respect and trust, and prayer for new Supreme Court Chief Justice.We will see her performance in the course of time,”paglilinaw ni Palma.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply