‘Paihi’ warehouse sumabog, 3 patay

NASAWI ang tatlong katao nang sumabog ang isang warehouse na puno ng ilegal umanong pinagbibiling gasolina sa Pasacao, Camarines Sur kagabi, Agosto 8.

Nabatid na pasado alas-6:50 kagabi nang sumabog ang naturang warehouse na pag-aari umano ng isang ‘Manding’ na sinasabing imbakan ng paihi o gasolinahan na ilegal na ipinagbibili sa malalaking trak na nagde-deliver ng produktong petrolyo sa gasoline stations.

Nakilala ang mga biktima na sina Ramil Quijano, anak ng may-ari ng warehouse, ang live-in partner nito at walong buwang buntis na si Romelyn Tabag kasama ang isang katiwala na si Rolly Dominguez.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection upang mabatid ang sanhi ng pagsabog.

Posible rin umanong isang LPG tank na sumingaw ang nagpasimula ng apoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply