Palasyo: Kaso vs Abalos solido

TINIYAK ng Malakanyang na solido pa rin ang kasong electoral sabotage laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaya’t hindi dahilan ang pagpipiyansa nito para lumabnaw ang kanyang kaso.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi naman ito ang magiging hatol ng korte laban kay Abalos kaya’t walang dahilan para mangamba ang publiko sa usaping ito.

“It’s not a judgment on, it’s not a final judgment on the merits; it was only a petition for bail. And as already mentioned, the Comelec will be in best position to tell us how strong their case is.”

Kahapon (Agosto 17) ay pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court na magpiyansa si Abalos ng P1 million para sa dalawang bilang ng electoral sabotage case.

At nang makapaglagak ng piyansa ay nnilisan ni Abalos ang Southern Police District sa Taguig City, kung saan siya nakakulong ng walong buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply