Palasyo: Pagkaso vs Corona, trabaho ng BIR

HINDI pamimersonal kundi trabaho talaga ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsampa ng kasong tax evasion laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, anak nitong si Ma. Carla Beatriz Castillo at manugang na si Constantino Castillo III lalo pa’t may matibay na ebidensiya laban sa mga ito, ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, na bahagi ng trabaho ni Commissioner Kim Henares na maghain ng tax evasion cases laban sa taong lumabag sa tamang pagbabayad ng buwis o hindi tamang pagdideklara ng kanilang ari-arian.

Pinabulaanan din ni Lacierda ang ulat na itinaon ang paghahain ng kaso laban kay Corona sa pagkakaroon ng bagong punong mahistrado ng Korte Suprema sa katauhan ni Justice Maria Lourdes Sereno.

Kinasuhan si chief justice Corona dahil sa paglabag sa section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code mula 2003 hanggang 2005, 2007, 2008 at 2010.

Sa imbestigasyon ng BIR, lumitaw na hindi idineklara ni Corona ang lahat ng kanyang assets sa isinumite nitong statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Bukod sa bank deposits, hindi rin idineklara ni Corona ang kanyang condominium unit sa Columns sa Ayala Avenue na nabili nito sa halagang P3.6 million noong 2004 at ang property sa Fort Bonifacio na nabili sa P9.16 million noong 2005.

Batay sa computation ng BIR, umaabot sa P120.5 million ang tax liability ni Corona sa loob ng siyam na taon.

Umaabot naman sa P20.25 million ang tax liability ni Castillo habang P9.93 million naman ang kay Carla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply