Palasyo: Pagpili ng bagong DILG chief, walang palakasan

TINIYAK ng Malakanyang na walang paiiralin na palakasan system sa gagawin ni Pangulong Benigno Aquino III na pagpili sa susunod na Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary kapalit ng namayapang si Sec. Jesse Robredo.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ibabase ng Pangulong Aquino ang kanyang pagpili sa susunod na DILG Secretary sa kanyang personal assessment at kakayahan na maisusulong nito ang kanyang mandato.

“The president has always made his decision based on his personal assessment of what is needed in a particular department, and also based on his assessment on a person’s capability to carry out the mandate,” ayon kay Usec. Valte.

Kailangan din, aniya, na kayang ipagpatuloy ng susunod na DILG Sec. ang mga nasimulang reporma ni Robredo.

Isa sa repormang nabitin ay ang pagpapaiksi sa oras na kakailanganin para sa mga kumukuha ng business permits.

Sinasabing responsable si Robredo na tiyakin na nakikipag-ugnayan ang local government units at inaayos ang kanilang sistema sa pagpapalabas ng mayor at business permits.

“Those are the kinds of reforms we are looking at to continue,”pahayag ni Valte.

Samantala, asahan nang ang lahat ng miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino ay nasa Naga City upang dumalo sa libing ng Kalihim sa darating na Martes, Agosto 28.

Tinuran ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. na umaasa silang magiging inspirasyon ng lahat si Robredo at ang prinsipyong maaaring maging bayani ang isang ordinaryong mamamayan.

“Sasama ako. Marami rin ang sasama, halos lahat na member ng Gabinete,” ani Coloma.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply