Paliwanag ni Carabuena hinihintay ng LTO

HINIHINTAY na ng Land Transportation Office (LTO) ang ibibigay na paliwanag ng motoristang si Robert Blair Carabuena bago hatulan kung kakanselahin ang lisensya nito matapos ang ginawang pananakit sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer.

Sinabi ni LTO Metro Manila Head Teofilo Guadiz III na mabigat ang kaso laban kay Carabuena dahil may hawak silang ebidensya, ang video footages na nakunan mismo ang pananakit ni Carabuena sa traffic enforcer na si Saturnino Fabros.

Dagdag pa ni Guadiz, kung may katotohanan man ang depensa ni Carabuena na hinampas ni Fabros ang sasakyan nito kaya siya ay naging marahas, hindi pa rin umano tama ang pananakit na ginawa ng inirereklamong motorista.

Sa kabila nito nilinaw ni Guadiz na prebilehiyo lamang at hindi isang karapatan ang pagkakaroon ng isang tao ng lisensya.

Binigyang diin ni Guadiz na may kapangyarihan ang pamahalaan na bawiin ang prebilehiyong ito kung sa tingin nila ay hindi kaya ng isang tao na gampanan ang responsibilidad sa pagkakaroon ng lisensya sa pagmamaneho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply