Palpak sa state burial ni Robredo, 3 opisyal ng PNP sinibak

SINIBAK sa puwesto ang tatlong opisyal ng Philippine National Police bunga ng nagawang kapalpakan sa isinagawang state burial kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Nadismaya sa PNP chief Nicanor Bartolome dahil hindi nagbibigay ng order si PNP for directorate comptroller C/Supt. Allec Ignacio sa libing ng yumaong DILG chief kabilang na ang paglalagay ng bandila sa kabaong nito.

Maliban kay Ignacio, sibak na rin ang dalawang opisyal ng PNP Region 5 dahil sa kapalpakan sa paghahanda sa libing ng yumaong kalihim.

Samantala, magbibigay ng tribute ngayong araw para kay Sec. Robredo ang Ramon Magsaysay Awards.

Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang mangunguna sa presentation ceremonies ganap na alas-4:30 mamayang hapon sa PICC sa Pasay City.

Kung maaalala, si Robredo ay awardee rin ng Ramon Magsaysay award for government service.

Kabilang sa mga awardee ngayon sina Chen Shu-Jiu ng Taiwan; Dr. Romulo Davide ng Pilipinas; Kulandei Francis ng India; Syeda Rizwana Hasan ng Bangladesh, Yang Saing Koma ng Cambodia at Ambrosius Ruwindrijarto ng Indonesia.

Ang Ramon Magsaysay Award ay itinuturing na Nobel Peace award ng Asya. Ito ay itinatag noong 1957 nang mamatay sa plane crash si dating Pangulong Ramon Magsaysay na labis minahal sa kanyang kasimplehan, kababaang-loob, pagsusulong ng hustisya lalo sa mga mahihirap at pagtutulak ng human dignity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply