Pamamahagi ng lupa ng HL dapat ‘di maantala

UMAASA si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi magiging Aquino court ang Supreme Court sa pamumuno ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Pabillo, chairman ng CBCP-NASSA, ay isa sa mga Obispo na sumuporta sa kahilingan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita na ipamahagi na ang may anim na libong ektaryang lupa na pag-aari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino sa mga magsasaka ng hacienda.

Umaasa din ang Obispo na hindi maantala ang distribusyon ng Hacienda Luisita na hindi papabor sa pamilya Cojuangco.

Nagpalabas na ng desisyon ang Supreme Court hinggil sa pamamahagi ng nasabing lupain.

Ayon kay Pabillo, dapat panindigan ni Sereno ang pagiging independent nito sa Pangulo na siyang nagtalaga sa kanya bilang bagong Punong Mahistratdo ng katas-taasang Hukuman.

Pinaalalahanan ng Obispo ang SC na maging parehas sa kanilang mga pagdedesisyun upang hindi mabansagan na “Aquino court”.

“Personally hindi ko kilala si Sereno pero ang aking pag-asa lamang, sana ay hindi siya maging Aquino chief justice kasi dati nga ina-acuse nga si Corona na “GMA chief justice” o “GMA court”. Hindi sana mangyari na siya ay maging puppet o tau-tauhan ni PNoy. Dapat ay magkaroon ng independence sa kaniyang mga judgement kaya sana maging maingat ang Supreme Court kasi kung hindi ay mababansagan din sila na ganun,” pahayag ng Obispo sa panayam sa radyo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply