Pamamahagi ng relief goods ni PNoy sa Tarlac natuloy

NATULOY ang pamamahagi ng relief goods ni Pangulong Benigno Aquino III sa isang evacuation center sa Barangay Ipulid, Paniqui, Tarlac.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Aquino na nagagalak siya dahil nasa mabuting kalagayan ang mga evacuee sa nasabing lugar na umaabot sa 200 pamilya o 800 indibidwal.

Tiniyak naman ni Pangulong Aquino na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga biktima ng pagbaha.

Humingi rin ng paumanhin ang Pagulo dahil naantala ang kanyang pagdating sa lugar.

Magugunitang, nag-emergency landing ang sinasakyan niyang chopper sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kanina dahil sa masamang lagay ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply