Pambababae ng mister, buking sa car alarm

DAHIL sa pagtunog ng car alarm system, isang mister ang nabuko ng kanyang sariling misis sa kanyang pambababae sa loob ng isang motel sa Bacolod City kaninang madaling-araw.

Depensa naman sa sarili ng 46-anyos  na mister na itinago sa pangalang Totoy na tinulungan lamang niya ang babae na mag-check in sa naturang motel dahil mayroon itong financial problem.

Hindi naman naniwala ang 37-anyos na misis na itinago sa pangalang Nene at iniskandalo ang kanyang mister at ang babaeng kasama nito na nakatakda rin niyang kasuhan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 4 ng madaling-araw sa isang motel sa Gatuslao St., Barangay 6, Bacolod City.

Ayon sa ginang, bago ang insidente ay naramdaman niyang sumimpleng lumabas ang kanyang mister ng kanilang bahay at minaneho ang kanilang kotse dakong alas 3 ng madaling-araw .

Dahil may nakapagsabing naglalaro ng apoy ang mister, kinuha ng naturang ginang ang spare key na may alarm system ng kanilang sasakyan  at pinuntahan ang lahat ng mga motel sa lungsod.

Hindi pa man nakakalahati, biglang nag-alarma ang kotseng nakaparada sa loob ng garahe nang pindutin ng ginang ang alarm key ng kotse ng kanyang mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply