Pambato ng Pinas sa Miss World na hinangaan ang talent, umabot lang sa top 15

KUNG sisilipin sa YouTube ang mas may pinakamaraming views between Miss China and Miss Philippines pagdating sa talent competition, ang Pinay ang lamang na may 586,566 kumpara sa Chinese na 13,059 lang.

Kaya ang iba nating mga kababayan ay nagsasabing luto raw ang resulta ng laban dahil nagkaroon ng hometown decision kung saan ginanap ito sa Dongsheng Fitness Center Stadium, Ordos, Inner Mongolia, China.

Ngunit bago tayo mag-sourgraping, dadaan muna tayo sa mga kamay ng Wales at Australia na naging second and third runner-up respectively. Mabuti sana kung nakabuntot tayo sa likuran ng Intsik.

Pero pagdating naman sa talent portion ay talagang hinangaan ang ating pambatong si Queenierich Rehman dahil sa kanyang pagkanta na hinaluan ng beatbox.

Iyon nga lamang masakit ito sa parte ng ating bayang sinilangan dahil last year ay naka-first runner-up ang pinadala nating representanteng si Gwendoline Ruais na may kahirapan pa ang competition dahil sa London ito ginawa na alam naman nating mayayabang ang karamihan sa mga European. Eh, sa China, kahit pang-ukay-ukay lang ang ipadala natin ay okey na. Hehehe!

Anyway, kung nasaktan tayo sa naging resulta ng Miss World 2012, mas matindi siyempre ang kinasapitan ng Miss Venezuela na nakopo ang nakaraang titulo sa pamamagitan ng kanilang pinadalang beauty na si Ivian Lunasol Sarcos Colmenares pero ngayong taon ay hindi man lang sila nakapasok kahit sa Top 15-Semi-Finalist.

Bueno, nandito ang resulta ng Miss World 2012. Winners: China – Yu Wenxia, 1st Runner-up Wales – Sophie Moulds, 2nd Runner-up Australia – Jessica Kahawaty.

Top 7 Finalists: India – Vanya Mishra, South Sudan – Atong Demach, Brazil – Mariana Notarangelo, Jamaica Deanna Robins, China-Yu Wenxia, Wales-Sophie Moulds and Australia Jessica Kahawaty.

Top 15 Semi-finalists:  England-Charlotte Holmes, Indonesia–Ines Putri Tjiptadi, Kenya–Shamim Nabil, Mexico–Mariana Berumen, Netherlands–Nathalie den Dekker, Philippines–Queenierich Rehman, Spain–Aránzazu Estévez, United States–Claudine Book, India–Vanya Mishra, South Sudan–Atong Demach, Brazil–Mariana Notarangelo, Jamaica Deanna Robins, China-Yu Wenxia, Wales-Sophie Moulds and Australia Jessica Kahawaty.

***

Ate Shawie welcome sa Dos, Claudine itsapuwera na!

PIKIT-matang nilunok ni Claudine Barretto ang kanyang prinsipyo, takot at kahihiyan at talagang sumampa sa bakod ng TV5 kahit kampo ito nina Erwin, Ben at Raffy Tulfo para lamang magkaroon nang trabaho.

Wala na siyang choice. Hindi ni-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata dahil sa kanyang ugali.

Ang dati naman niyang home studio na Star Magic sa ABS CBN ay nagsalita na nang tapos ang executive na nakausap namin na kesyo wala na silang panahon kay Claudine.

Si Sharon Cuneta kapag bumalik daw sa kanila ay welcome pa, pero itong misis ni Raymart Santiago ay itsapuwera na sa kanila.

Hindi na raw kasi nila kaya ang pagka-aning-aning nito. Kagaya ni Ate Guy? Hehehe!

***

Hilda Koronel balik-showbiz

LOVE-at-first-sight kung ituring ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel ang nangyari nang tanggapin niya ang pinakapinananabikan at kauna-unahang ‘mature’ film nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na “The Mistress,” na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa September 12 (Miyekules).

Ang “The Mistress” ay engrandeng pagdiriwang ng Star Cinema ng 10th anniversary ng love team nila John Lloyd at Bea.

“This is the first time after six years that I accepted a movie offer. Yes, I have received a lot of offers over the years in the US but I have turned them all down,” kuwento ni Hilda na matagal nang naninirahan sa California kasama ang kanyang non-showbiz husband.

“Sa akin, first priority ko kasi palagi ay ‘yung script. At first draft pa lang ng script ng “The Mistress,” minahal ko na siya.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply