Pambobola ni Biazon

PREMATURE ang pagbubunyi sa pagkakasamsam umano ng may 420,000 sako ng bigas sa Subic Freeport.

Hindi pa naman talaga nasamsam ang naturang shipment dahil may mga usapin pa sa talagang status nito.

Ito Ang Totoo: may tatak na Jakarta ang bawat sako ng bigas at sa Indonesia ang destinasyon pero dahil hindi nai-deliver sa takdang panahon, hindi na ito pinayagang pumasok ng pamahalaan ng naturang bansa.

Masuwerte na may Subic Freeport na pwedeng pag-tenggahan ng rice shipment kaya iniligay ito sa dalawang warehouse pansamantala at dito may kita ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Dahil freeport, natural lang na ito ay maging transshipment point kaya hanggat hindi inilalabas ng Subic Freeport papasok sa teritoryo ng bansa na jurisdiction ng Customs, walang maituturing na smuggling.

Kung may magtatangka mang ilabas papasok sa Customs area ng bansa sa labas ng Subic Freeport ang rice shipment, ito ang dapat abangan ng Customs authorities at kapag pumasok na sa kanilang jurisdiction, saka nila ito isakote.

Hindi sumama ang sino mang SBMA official sa pagporma ni Biazon et al. kamakalawa sa Subic kaugnay ng rice shipment dahil taliwas sa ipinangangalandakan ni Biazon, pakiwari nila’y sinasaklawan ng  Customs ang kanilang jurisdiction.

At taliwas pa rin sa ipinangangalandakan ni Biazon, hindi naman pala totoong inabandona ng may-ari ang rice shipment at naroon pa nga ang mga Bombay na kinatawan ng pinagmulan ng bigas na nagbabayad ng upa sa warehouse ng SBMA.

Nakahanda umanong ibiyahe ng mga Bombay patungo sa ibang bansa ang rice shipment para hindi na maging isyu kung smuggled ito o hindi.

Nang tanungin natin si Biazon, maging siya ay hindi sigurado sa magiging pinal na desisyon sa kahihinatnan ng halos kalahating bilyong pisong halaga ng bigas.

Ito Ang Totoo: lumalabas na pulitika ang nasa utak ni Biazon kaya nag-iingay ng accomplishments at kahit hindi pa accomplishment ay ipinangangalandakan na para mapansin at mapasama sa senatorial line-up ng administrasyon.

Itong tipo ng nakababatang Biazon ay malayo sa kanyang ama na dating Senador Rodolfo Biazon na mas karapat-dapat mapasama sa  line-up ni Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi natin kailangan sa Senado ang tulad ni Ruffy Biazon na puro porma at pambobola ang ginagawa sa madlang pipol.

Dapat na ring pag-isipan ni PNoy kung dapat pang manatili si Biazon sa Customs dahil wala  namang pagbabago sa pagpipiyesta ng mga smugglers sa Aduana at iba pang ports sa  bansa. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply