Pamilya minasaker sa Balagtas, Bulacan

PATAY ang isang pamilya sa Balagtas, Bulacan makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang mga suspek kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo at Cristina Sta. Ana, mag-asawa at mga anak na sina Christian at CJ.

Nabatid na nakitang patay na ang mag-anak na tadtad ng saksak at pinalo pa ng matigas na bagay sa ulo si Rodrigo.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa krimen nang mawala ang perang pinagbentahan ng mag-asawa sa kanilang naaning palay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply