Pamilya ng nag-suicide sa LRT, walang tulong mula sa LRTA

HINDI magbibigay ng financial assistance ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pamilya ng babaeng nag-suicide kahapon sa EDSA-Taft station.

Sinabi ni LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera na ito ay upang hindi naman mahikayat ang iba na gamitin ang LRT para sa pag-suicide.

Tiniyak naman ni Cabrera na nakikipag tulungan ang LRT sa pulisya para sa imbestigasyon.

Ikinagulat ni Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Atty. Hernando Cabrera ang ulat na kakasuhan ang train operator sa pagkamatay ni Lucy Aroma, ang babaeng nag suicide sa LRT kahapon ng umaga.

Sinabi ni Cabrera na malinaw naman sa imbestigasyon na suicide ang nangyari at hindi talaga makakahinto ang tren dahil sa segundo lang ang pangyayari.

Ayon kay Cabrera, hindi na muna din nila pinagba-biyahe ang naturang train operator dahil sa kailangang sumalang ito sa stress debriefing.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply