Pamilya ni Capt. Bahinting dismayado

DISMAYADO na ang pamilya Bahinting dahil hindi na umano pinahalagahan ng gobyerno ang mga labi ni Capt. Jessup Bahinting at Nepalese Co-Pilot Kshitiz Chand.

Ayon kay Cebu City Traffic Operations Management Chairman Sylvan “Jack” Jackosalem,  nadismaya ang naiwang pamilya ni Capt. Bahinting nang malaman na walang kahit isang pulis na itinalaga ng gobyerno upang mag-escort sa labi ng piloto at siguraduhin na ligtas itong
darating sa Cebu.

Una rito, naging emosyunal din ang naturang pamilya matapos na ipinagliban at tumagal ang pagkuha sa labi ng piloto at co-pilot nito.

Naiahon nitong Miyerkules ng hapon ng mga sumisid na technical diver ang bangkay ni Bahinting na kasamang namatay na si DILG Secretary Jesse Robredo sa bumagsak na Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate City noong Sabado.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, si Bahinting ay nakaupo sa kanang bahagi ng cockpit ng eroplano, nakasuot pa ng seat belt, fossil watch at nakasuot ng singsing nang marekober.

Nakuha ang bangkay matapos hilahin ng 8-man team ng technical divers ng Philippine Navy at Korean volunteer divers ang wreckage ng eroplano sa lalim na 21 hanggang 25 metro pasado alas-5 ng hapon. Positibong kinilala ng kanyang pamilya ang labi ni Bahinting.

Ang eroplano ay tinalian na ng mga technical diver sa fuselage upang mahila paitaas at maiahon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply