Pamilya patay sa landslide sa Zamboanga del Sur

UBOS ang miyembro ng isang pamilya matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Midsalip, Zamboanga del Sur.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang landslide ay bunsod ng patuloy na pag-ulan sa Mindanao na sinabayan pa ng hampas ng hanging habagat.

Bukod sa mga binawian ng buhay na hindi pa alam ang pagkakilanlan ay may dalawa pang nasugatan sa insidente.

Lumalabas na mahimbing na natutulog ang mga biktima nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang NDRRMC na kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Gener ay maging alerto pa rin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply