Pamilya Robredo, tumanggi sa Libingan ng mga Bayani

HIGIT na pinili ng pamilya Robredo na sa lungsod ng Naga ilibing ang mga labi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Una nang tinanggihan ng pamilya ng yumaong opisyal ang alok ng Malakanyang na ilagak ang mga labi ni Sec. Robredo sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon sa anak ng kalihim na si Aika, kung nabubuhay pa ang kanilang ama ay tiyak na mas pipiliin nitong sa Naga City siya ilibing kung saan lugar siya lumaki.

Sinabi naman ni Jun Lavadia, tagapagsalita ng pamilya Robredo na hindi rin magugustuhan ng mga taga-Naga kung ilalayo sa kanila ang itinuturing nilang “ama” na nagsilbing mayor doon sa loob ng dalawang dekada.

Samantala, tinanggap ng pamilya Robredo ang “state funeral” na inialok ni Pangulong Noynoy Aquino para sa kalihim.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Palasyo na magkakaroon ng live coverage para state funeral ni Sec. Robredo.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon, dapat intindihin ng publiko ang pagiging maingat ng Malakanyang dahil kinokonsidera rin nito ang kalagayan ng mga naulila ni Robredo.

Kaugnay nito, binuksan na ng Malakanyang ang “Book of Condolence” para sa pagkawala ng kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply