Pamilyang natabunan ng lupa sa QC, inilibing na

INILIBING na ang siyam na miyembro ng pamilya Baylon na namatay sa landslide sa Quezon City kaninang umaga (Agosto 18) sa Holy Cross Cemetery sa Novaliches.

Bago ito, dumulog ang mga taga-suporta, kabigan at mga kaibigan ng pamilya Baylon sa isang misa na ikinasa sa covered court ng Barangay Commonwealth sa Q.C.

“Nagpapasalamat po ako sa mga tumulong sa amin sa simula’t simula,” pahayag ng amang si Jessie Baylon na isa sa mga nabuhay sa trahedya.

Ang misis ni Jessie, limang anak at tatlong apo, kabilang ang isang bagong silang na sanggol ang namatay nang gumuho ang lupa na dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan na tumama sa bahay ng mga Baylon sa Lower Bayanihan Street noong umaga ng Agusto 7.

Tuad ni Jessie, ang kanyang anak na panganay ay nakaligtas sa landslide habang ang isa naman ay nasa trabaho nang maganap ang trahedya.

“Sa araw na yun walang pahiwatig na guguho na. Hindi ko po akalain talaga na mangyayari ang ganitong sitwasyon. Sa awa ng Diyos, marami din po ang tumulong,” pahayag nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply