Panabong na manok nawala, kuya kritikal sa hampas ni bunso

KRITIKAL ang isang binata matapos pagpapaluin ng nakababatang kapatid gamit ang kawayan makaraan ang pagtatalo dahil sa nawawalang manok na panabong ng huli sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Agosto 1.

Ginagamot na sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng kawayan sa ulo at katawan si Paterno Malubay Jr., 39, ng Phase-7C, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan City police ang suspek na si Eric Malubay, 33.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, umuwing lasing ang biktima at nang makita ng suspek ay kinompronta dahil si Paterno ang pinagbibintangang kumuha ng nawawalang panabong ni Eric.

Pumasok ng bahay si Paterno at nang lumabas ay may dalang pambambo at hinahap si Eric.

Nang hindi makita ay naglakad sa kalsada ang biktima subalit hindi pa nakakalayo ay inunahan ng mga palo ni Eric gamit ang kawayan.

Nawalan ng malay ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa EAMC habang nadakip ng mga barangay tanod si Eric.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply