Pananapak sa MMDA man at minero nagsa-shabu

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga tagasubaybay na mailabas ang kanilang mga kaisipan, karanasan, sumbong at paninindigan. Heto po sila.

CALLBOY AT POKPOK

Isetann Recto ay pugad ng kolboy at pokpok. Talamak sa gabi. 0949758….

PLASTIC IPAGBAWAL

Gd pm po, sir. Sana po ipagbawal na ang paggamit ng plastic sa buong bansa. Kasi po sa amin, malaking kabawasan sa basura ito. Dapat ding matututo ang mga tao sa wastong pagtatapon ng mga basura. 0930290….

PANANAPAK SA MMDA MAN

Sa video, kitang-kita ang pagsapak ng isang motorista, (Robert Carabuena) kay  MMDA traffic enforcer  (Saturnino) Fabros. Ang motorista raw ay isang HR manager ng isang Tobacco Company. Ang taong ito ay nagpakita na siya ay GAGO, TORPE, WALANG PINAG-ARALAN at may TOYO sa utak sa pagsapak niya sa isang MMDA Traffic Enforcer. Sana mag-cross ang landas namin. Monsour Delgado, Quezon City. 0920823….

SUPLAYER NG KURYENTE

Magandang umaga po,  Ka Benny. May idudulog po  ako sa inyo. Nang minsang mamasyal ako sa mother ko sa Sta. Rosa, Laguna sa  Southville 4, relocation site sa Caingin, tinanong nila ako kung saan puwedeng magreklamo.

Meron po raw isang bahay na sinusuplayan ng kuryente ang buong Phase 9 at Ph 8. Ang pangalan ay Maylen Agnote, asawa po ng isang Arnel na empleyado umano ng munisipyo ng Sta. Rosa. Sana po magawan niyo ng aksyon at makarating ito sa Meralco. Salamat. 0947598….

TINIMBANG NGUNIT KULANG

Sir Benny! Pakikalampag po ang Legazpi City Public Market.
Kasi po walang aksyon ang lokal na pamahalaan sa mga nagtitinda ng karne at isda na kulang sa timbang. May daya ang mga timbangan. Salamat po. 0920967….

JBC TAMA KAY DE LIMA

Tama ang ginawa ng JBC sa pag-disqualify kay Justice Sec. De Lima. Hindi siya nararapat na maging Punong Hukom sa Korte Suprema. Bakit sino ba siya? 0920823….

KAWAWANG JAGUAR

Hi, Sir Benny Antiporda, good morning. Pls. don’t publish our no. Sec. guard po kami sa Giant Eagle Security Svcs. Inc., na may Tel.  No. 6373396 at 6337001 at may office address na 15 3rd St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City. Owner po sina Mr. Leonso Pe & Mrs. Julie Chua Pe. GM po si Mr. Jonathan C.Pe. Wla po kaming bayad sa 1. Holidays (Dec. 25, 30, Jan. 1, May 1, June 12, HeroesDay at iba pa na government mandated rules. Wala kaming 5 days Incentive Vacation at No Uniform allowance. Pls. help us, Sir. Kawawa kami at takot na alisin sa work. 0999476….

MAPUTIK PA RIN

Magandang hapon po, Sir Benny! Dito po sa Brgy Banaba, San Mateo, Rizal, nagpaalam na po si habagat pero hanggang ngayon ay malalim pa rin po ‘yung putik, ga-bewang at ga-tuhod. Kumpara sa Marikina na malawak ang naapektuhan, malinis na po at wala nang putik mula sa bahang habagat. Mayor Rafael Diaz Aksyon naman! 0928338….

LANGIS AT KURYENTE

Gud day po, Sir Benny. Mabuti pa ang langis at diesel, kung magtaas man ng presyo, kahit papaano ay may inaasahan naman ang ating mga pobreng driver na rolbak. Eh paano naman ang nakararaming Juan dela Cruz  sa nagbabadyang pagtaas naman ng singil sa kuryente? Ayos lang sana kung katulad ng langis na may rolbak din. Eh kaso wala. Kawawa si Juan dela Cruz. 0999750….

MINDANAO ATHLETES

Grabe talaga ang nangyari sa mga Pinoy athletes na ipinadala sa London Olympics. Nakapagtataka! Bakit ang liit-liit lang nila? Dito sa Mindanao maraming magagaling na puwede riyan pero walang pagkakataon kasi walang panggastos at iba pa. 0912634….

MGA MINERO NAGSA-SHABU

Magandang araw po. Isusumbong ko lang po na dito  sa aming lugar ng Paracale at Panganiban, Camarines Norte, talamak na ang bentahan ng shabu. Lalo na ‘yung mga player na pumapasok sa mga minahan, gumagamit muna sila bago lumusong sa tunnel. Ang mga kapulisan po rito ay mga nagbubulag- bulagan lang kahit alam nila na talamak ang bentahan dito. Sir Benny, kami pong mga residente ay natatakot na dahil parami nang parami ang krimen sa lugar namin. ‘Di naman kumikilos ang mga awtoridad. Pakipaabot naman po sa kinauukulan para matigil na ang bentahan ng shabu sa lugar namin. Salamat po! Don’t publish my number. Concerned citizen.   0946…….

ABUSADONG TAO NI MAYOR

Gusto ko lang pong ireklamo ang tauhan ni Mayor Jonjon Villanueva ng Bocaue, Bulacan na si Bert Gonzales na isinusuka rin ng kanyang mga kabranggay dahil sa panunutok ng baril pag may napagtripan. Salamat po. +63915974….

PUNA SA MGA MARCOS

To Ma’am Imee R. Marcos. Nang umupo ang tatay mo sa Malakanyang, ang galunggong ay P2.00. Nang umalis ang tatay mo P20.00 na. Pero ngayon ay P140 na. Kasi noon nakapangingisda pa tayo sa Spratlys at sa Scarborough shoal. Ngayon hindi na, mga Intsik na ang nangingisda roon.Ano ba yan? +63908253….

US MILITARY PABALIKIN

Tinapos o inalis ng Kongreso ang base militar ng U.S. sa Pinas pero wala namang ginawa sa pagpalakas sa ating Armed Forces. Magtatayo na ang China ng garison sa West Phil. Sea. Dapat ipalutang-imungkahi na isama sa election ang referendum  na magbabalik ng base militar ng Amerika dito. +63917916….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply