Pananatili ni Rolito Go sa NBP, posibleng tumagal

MALAKI ang posibilidad na tumagal pa ang pananatili ng high profile convict na si Rolito Go sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, kapag napatunayang tumakas sa kulungan at hindi dinukot si Go ay tiyak na lalong tatagal ang pamamalagi nito sa NBP.

Sinabi naman ni Justice Usec. Francisco Baraan na pwede ring masampahan ng panibagong kaso si Go kapag napatunayang nagsinungaling ito.

Aniya, kasong evasion of service of sentence ang kakaharaping kaso ni Go.

Ang kasong evasion of service of sentence ay may parusang 6 na buwan hanggang 6 na taon na pagkakakulong batay sa revised penal code.

Matatandaang napa-ulat na nawawala si Go nitong Miyerkules nang mag-head count ang mga jail guards sa NBP

Kaugnay ntio, pinagbakasyon ni Pangulong Noynoy Aquino si Bureau of Corrections Director Gaudencio Pangilinan matapos makatakas at muling maaresto si  Go.

Iniutos ng Pangulong Aquino ang pagkakaroon ng malalimang multi-agency investigation para matukoy kung tumakas nga ba o dinukot si Go.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na dismayado ang Pangulo sa mga nangyayari sa New Bilibid Prison (NBP) kaya’t nais nitong matukoy kung ano ang dapat gawin para hindi na maulit ang ganitong insidente.

Ang pangangasiwa sa NBP ay pansamantalang hahawakan ng Departmemnt of Justice habang naghahanap ng magiging officer-in-charge.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply