Panel na mag-iimbestiga sa tax case ni Corona bubuuin

BUBUO ng panel of prosecutors ang Department of Justice (DOJ) na magsisiyasat sa tax evasion case na inihain laban kay dating Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Justice Undersectary Francisco Baraan III, agad silang maglalabas ng resolusyon sa loob ng 60 araw.

Gayunman, sinabi naman ni Baraan na sa ngayon ay wala pang pangalan ng mga piskal na mag-iimbestiga sa kaso na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa dating Chief Justice Renato Corona, anak nitong si Ma. Carla Beatriz Castillo at manugang na si Constantino Castillo III.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni BIR Commissioner Kim Henares na ang pagsasampa ng kaso kay Corona at ilang miyembro ng pamilya ay hindi paghihiganti kundi ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin upang habulin ang mga personalidad na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply