Pangalan ni Assec. Zaldy ginagasgas ni Jimmy Kupal

AY NAKU po hindi lang pala isang Assec sa Palasyo ng Malakanyang ang ginagamit nitong si alyas Jimmy Kupal na nagpapakilalang agent siya ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa panghihingi ng ‘tongpats’ sa mga importer/broker diyan  sa Aduana.

Sobrang kapal na talaga ng pagmumukha nitong si Jimmy Kupal dahil hindi lamang pala isa ang ipinanghihingi nitong mga Palace Official sa kanyang ginagawang kabuktutan.

Alam n’yo bang lingguhan kung umikot itong si Jimmy Kupal sa mga importer/broker sa Aduana para kolektahin ang lingguhang ‘tongpats’ n’ya sa mga ito.

Syempre, pati ‘yung Palace Official na ipinangongotong daw n’ya na alam kong wala itong kinalaman ay ginagamit ng tarantadong Kupal na ito.

Alam n’yo ba na muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang malaman ko kung sino itong Palace Official na ginagamit ng tarantadong Jimmy Kupal na ito sa BOC?

Halos hindi ako makapaniwala na magagawa ng kumpare kong ito ang magpakolekta ng ‘tongpats o tara’ sa Aduana.

Aba’y matino pa sa dilang matino ang kumpare kong Batangenyong Assec na ito.

At saka tinitiyak ko na hindi n’ya magagawa ito sa matalik niyang kaibigang si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino.

Dahil hindi pa Pangulo si Pangulong Noynoy ay close na n’ya si PNoy.

Atsaka ni minsan, kahit noong nagkokober pa lang kami sa mga beat namin sa Metro Manila, ay hindi ko nabalitaan na tumatanggap ang mamang iyan.

Paging Kumpareng Assec. Zaldy De Loyola, mas mabuti na malaman mo na ginagasgas ng tarantadong Jimmy Kupal na umano’y agent daw (kuno) ng Customs ang malinis mong pangalan. Alam mo, Pareng Zaldy, umiiyak ang mga importer/broker sa tarantadong yan kung manghingi ng tara.

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply