Panggigipit ni PNoy pabor sa RH bill, impeachable offense

ITINUTURING ng Simbahang Katolika na ‘impeachable offense’ ang pangingialam ni Pangulong Benigno Aquino sa mga mambabatas para lamang maipasa at isabatas ang RH bill.

Ayon kay CBCP Permanent Council member Sorsogon Bishop Arturo Bastes, hindi dapat gamitin ng Pangulong Aquino ang kanyang kapangyarihan para impluwensiyahan at gipitin ang mga Kongresista.

Ang ginagawang pangbrabraso, aniya, sa mga mambabatas ay labag sa Saligang batas

Sinabi ng Obispo na malinaw ang sinasaad sa konstittusyon na dapat mayroong hiwalay na kapangyarihan ang executive department, legislative at judiciary.

Sinabi ng Obispo na nakakatakot ang ginagawa ng Pangulong Aquino na kontrolin ang mga mambabatas upang sumunod sa anumang nais niyang gawin at kautusan.

Naniniwala ang Obispo na ang gagawing luncheon meeting ni PNoy ngayong araw na ito sa mga Kongresista ay para himukin ang mga ito na ipasa na ang RH bill.

“For me the Palace, the executive department is trying to control the legislative. Ginawa na niya iyan kay Corona. Huwag niya gawin sa isyu ng RH bill. He should not minggle! He should not put his finger into the legislation! He must be independent. Impeachable yang ginagawa niya. And it is a crime! Precisely we have three independent branches. So the president should not post by coercion. Moral coercion.Monetary coercion,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bastes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply