Panghapong klase sinuspinde na ng Manila

SINUSPINDE na ng Manila city government ang panghapong klase sa pre-school hanggang high school sa pampublikong paaralan bunsod pa rin ng nararanasang masamang panahon.

Ayon sa report , suspendido rin ang panghapong klase sa City College of Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Nauna nang nag-anunsyo ng pagkansela ng klase ang ilang paaralan sa Metro Manila noon pang gabi ng Linggo.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng southwest monsoon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply