Panibagong bagyo papasok sa bansa bukas

ISA na namang bago ang nakatakdang pumasok sa bansa bukas.

Kaya naman patuloy sa monitoring ang Pagasa sa namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.

Itinuturing na rin ng US Navy at Japan na ganap na bagyo ang papasok sa bansa kahit medyo malayo pa sa Philippine area of responsibility namataang sama ng panahon.

Ayon sa Pagasa, inaasahan na makakapasok ito sa karagatang sakop ng Pilipinas bukas ng gabi pero kung hindi magbabago ang direksyon ay hindi na ito tatama sa kalupaan ng Pilipinas sa halip ay sasaglit lamang sa dulong bahagi ng PAR at saka didiretso sa timog Japan o hilagang Taiwan.

Gayunman, inaasahan pag-iibayuhin nito ang hanging hagabat sa bansa sa susunod na linggo kaya’t inaasahan pa rin ang patuloy na mga pag-ulan sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply